Miyerkules, Agosto 18, 2010

High Skul Life
Ni: Aiza Reyes

Buhay high skul ko natutunan ang lahat sumaya, makipagkaibigan, at higit sa lahat, ditto ko napatunayan na hindi pala ako iba sa tao. 1st year noong una tahimik akodahil wala pa ako kaibigan noon, pag 1st year ka na pala dapat makipagtulungan ka, nung una inaamin ko nahirapan ako pero nung bandang huli, nakasabay na ko sa mga classmate ko. 2nd year karamihan ng classmate, hindi na ako mahiyain dahil alam ko na kahit ano ang gawin nila ay kaya ko din, kaya nagging madali ang pagiging 2nd year ko. Bukod pa dun, napakabait ng mga teacher dahil palagi nila ako kinatutuwaan, ang laki ko daw kasi pero totoo naman.
3rd year dito ko naman napatunayan na ang teacher ang ating pangalawang magulang . dahil nagging teacher ko si Ma’am Moronia, noong una, hindi kami close hindi ko nga sya pinapansin nun, pero nung nagkaproblema ako at humingi ng tulong sa kanya ,agad-agad n’ya napagaan ang loob ko. Simula nun naging magclose na kami, palagi ako pumupunta sa kanila, nakikipagkwentuhan nagpapatulong sa takda minsan, sabay pa nga kami kumain kaya noon ay mas gusto ko pa sa eskwelahan kesa sa bahay. Marami nga na nainggit sa akin kasi daw para na akong anak kung touring ni Mam, pero kahit ganon,kapag nagtuturo si ma’am,teacher pa din siya at estudyante niya lang ako.
4th year ito naman ang pinakamahirap pero masaya dahil president ako ng lahat ng gawain, nasa akin kapag nagkamali, palagi na lang ako napapagalitan. Pero may nagawa naman ako mabuti , lahat ng classmate ko, sumusunod sa lahat ng utos ko. Naging super close kami ng adviser ko dahil kami lagi ang magkasama at napakalaki ng tiwala niya sa akin, ako ang pinaghahawak ng pondo ng room. Minsan, nagkukwento din ako ng problema ko sa buhay, palagi niya ako pinagsasabihan na magtapos na ako ng pag-aaral. Dahil nga sa super close kami ,tinawag ko siyang Mommy Tanda, na siya lang ang pinakamahalaga na teacher ko sa San Roque National High School. Totoo nga na ang sabi nila na ang hayskul lang natin unang mararanasan ang lahat ng bagay na hindi pa natin nararanasan. Sa high school ko lang nadama ang lahat tayo ay pantay-pantay. Hinding hindi ko malilimutan ang hayskul lalo na yung mga teacher ko na tinuring ako nila bilang anak , yung mga kaibigan ko na laging nandyan para damayan ka lalo na sa mga problema na dumarating sa buhay. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, palagi kong babalikan ang high skul life…

BAKAS NG NAKALIPAS
ni Marco L. de Guzman


        Sa pagtapak sa paaralan, namulat ang aking kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nagaganap sa kapaligiran. Dito rin akonagsimulang  matutong bumasa, sumulat, magkompyut, at mag-analisa ng mga datos. Dito ko rin nakilala ang mga kaibigan, guro at punong guro na umalalay sa akin sa pagtahak sa mahaba-habang landasin. Ngunit hindi maiiwasan na minsan may nagagawa akong kamalian kahit sa loob ng paaralan.

        Ibang-iba pala talaga ang buhay sa sekondarya kumpara sa elementarya. Kung noon ang pag-aaral ay parang laro pa. Sa high school pala, seryosohan na. Wala ng biro, wala ng laro.
       
        Minsan nagawa kong magbiro. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi ko namalayang grabe pala ang magiging kahihinatnan. Sa paghatak ko ng silya sa kanyang pag-upo, nagulat ang lahat sa kanyang pagratay sa sahig. Nabali ang likuran niya sanhi ng kanyang pagkakalaglag. Sa takot ko sa kanyang ina, mahigit isandaang beses na kapatawaran ang  hiningi ko sa aking kamag-aral.

        Ilang guro na rin ang nagwalk-out sa amin sanhi ng pagiging pasaway. Ang una ay ang aming guro sa araling panlapunan noong ikatlong antas. Mahigit isang linggo siyang hindi  nagturo dahil sa sama ng loob na inabot niya sa amin.Pangalawa naman ay ang mismong gurong tagapayo na namin. Umalis siyang may hinanakit. Nabigla na lang kami nang biglang gumalabog ang pinto. Makalipas ang mga kaganapang iyon, natuto na kaming makisama sa aming mga guro.

        Hindi rin mawaglit sa isip ko ang pangyayari noong gabi ng Agosto 21, 2008, matapos ang selebrasyon ng pagkapanalo ng ilan sa aming kupunan sa Press Conference. Kaysaya namin noong mga oras na iyon ng biglang sa paglingon ko sa isang lumang tahanan sa Poblacion, isang nakaputing babae ang aking naaninagan sa  gilid ng nasabing bahay. Ikinuwento ko iyon sa aking kasamahan makalagpas kami sa naturang lugar. Nagtatakbo kami sa sobrang takot.

        Isa pa sa hindi ko malilimutang karanasan na akin ding pinagsisisihan ay ang pag-ako namin ng isa kong kaibigan sa kasalanang hindi naman kami ang may sala. Isang planong panggulat ang isinagawa ng aking mga kaibigan. Isang plastic na laruang tuko ang inilagay nila sa patungan ng keyboard na kung saan, kapag hinila niya ito ay masisindak talaga siya.Ngunit hindi dumating ang taong kanilang tatakutin. Bagkus ang nabiktima nito ay ang aming guro sa Ingles na may karamdaman sa puso. Kinabukasan na lamang namin nalaman ang nangyari. Galit na galit ang aming guro. Sa galit niya nasabi niya sa amin na dadalhin niya sa opisina ng aming punong-guro upang isumbong ang kaganapan. Salamat na lamang at humupa ang kanyang galit. Ipinagpalipas na lamang niya ang nangyari.
       
        Lunes ng linggong iyon sa pagpasok ko sa paaralan, nabigla na lamang ako dahil kalat na ang balita. Ilang guro namin ang patuloy sa pagpaparinig. Luha na lamang ang patuloy na umaagos sa aking mga mata. Ni hindi ko na maipaliwanag ang aking panig. Nag-iba na ang tingin ng mga guro sa akin. Ibang-iba na simula ng una.

        Simula noon lahat ng bagay na gagawin ko ay tinitimbang ko na. Hindi na ako gumagawa ng mga bagay na alam kong makakasira sa akin. Ang mga pinagdaanan ko’y parte na lamang ng nakaraan. Itinuturing kong… bakas ng nakalipas.

Martes, Agosto 17, 2010



“Only in BCCS”
Ni Drazen Emir B. Legaspi
           
            “Only in BCCS” – isa sa mga pinaka paborito kong taglines noong hayskul. Hay, hayskul,naaalala na naman kita. Naaalala ko dinang mga kung anu-anong pinag-gagagawa ko ‘nun, ahe.
            OK,simulan natin sa first year, first day of school in hayskul,uhm,wala naman kakaiba maliban sa isang oras mahigit na pagtayo malapit sa office, malay ko ba kasi kung saan yung room namin? Partida, maliit as in napakaliit ng hamak na school namin, ahe.
            Sunod naman, Second year, OK, ang pinakahindi ko makalilimutan dito ay ang,DI-NYO-KO-MAPIPILIT DANCE,,syempre ako ang gumawa nun, ahe. Report ‘nun eh, pero hindi ko na din alam kung bakit ko nga ba ginawa ‘yun , body movements daw kasi eh, ahe.
            Heto, Third Year, OK, ito ang masasabi kong “inspired” na year ko bilang isang hamak na hayskul student. Kasi naman, una, sa year lang na ‘to ako napasok sa top, TOP. 9 ako!! Kasi umalis yung ibang top,ayun nawalan ng kalaban sa pwesto kaya ‘yun, ahe. Pangalawa, Favorite teacher namin ang adviser kaya SOBRANG NAPAKASAYA!!ahahaha……
            Fourth Year, ‘eto na! Graduating na kami, pero wala eh parang walang excited…as in wala talaga.. syempre, sa tatlong taon ba naman naming magkakasamaay mamimiss pa namin ang isa’t isa?!! Masasabi ko din na ito ang “victorious” years namin kung saan halos lahat ng awards ay ipinanalo namin maliban sa huling competition, kung saan nag-give way na kami.. Ayos nga eh, huling laban na, ipinatalo pa, ahe.
            Graduation, sa wakas, ‘eto na ang hinihintay namin, wala, as in parang wala lang, walang iyakan, walang drama-drama,wala talaga. Parang normal na program lang, ahe.
            Pahabol, haha, bagamat nakaabot ako ng 4th year ay may isa akong gawain na hindi nagbago, yung ay ang pagiging LATE lagi, magsimula First hanggang Fourth year ay lagi ko nang nakagawian ‘yun. Hindi lumalagpas ng isang linggo ng hindi ako nale-late.
            At iyon ang ilan sa mga hindi ko malilimutan na pangyayari sa aking buhay, noong ako ay isa pa lamang na hamak na hayskul student sa BCCS. At ‘yan ay nangyari.”Only in BCCS”.
Pagbangon mula sa Putikan
Ni Juri-Ann Dally DR. Rodriguez

          Hayskul life… Sinasabing pinakamasaya at pinaka hindi makakalimutang parte ng pag-aaral. Kahit tanungin pa natin ang mga estudyanteng kasalukuyang nasa kolehiyo na. Tulad ko, ako ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo sa kursong pang-edukasyon at isa ako sa mga estudyanteng nagsasabi na ang hayskul life ang pinakamasaya at pinaka hindi makakalimutan. Dito kasi natin tuluyang natuklasan ang mga bagay-bagay na hindi natin nalaman noong elementarya pa tayo. At dito rin nabuo ang mga karanasang talaga namang hindi natin makakalimutan, maging ito man ay maganda o pangit. Yun tipo bang nakatatak na sa ating isipan. Alam kong ang ilan sa mga karanasang ito ay pangkaraniwan lamang kung baga naranasan na rin ng iba. Pero alam kong sa dami ng mga karanasang ito ay may isang naiiba, yung para bang ikaw pa lamang ang nakaranas nito. Ako nga, inaamin ko, mayroon akong pangit na karanasan na sobrang nakakahiya pero sa tingin ko iilan pa lamang ang nakaranas nito at kabilang ako doon, ang “madapa sa putikan”. Tandang-tanda ko pa, nangyari ito noong araw ng biyernes at kasalukuyan akong first year student sa DCMDHS. Noong taong iyon, may ilang parte ng iskul namin ang hindi pa sementado kung kaya’t kapag umulan asahan mo nang maputik talaga. At dahil dito, noong araw nga ng biyernes sa ganap na alas kwatro ng hapon ay nangyari na ang hindi ko inaasahang pangyayari. Umulan ng malakas at maputik ang daan. Pauwi na ako nun, maingat naman akong naglalakad pero kung kelan malapit na sa sementadong daan, doon pa ako natisod at nadapa. Nakakahiya talaga!!! Nakatingin sa akin ang lahat ng kapwa ko estudyante at nakita ko sa kanilang mga ekspresyon na sila’y natatawa. Hindi ako nainis sa kanilang tawa bagkus nainis ako dahil sa dami ng taong nakakita sa akin ay wala man lang tumulong sa akin upang makatayo. Nang ako’y nakatayo na, hindi ko alam ang aking gagawin, napakarumi ng aking damit maging ang ilang parte ng aking katawan. Umuwi akong putikan at mukhang kaawa-awa. Pero sa kabila ng lahat ng ito may naitulong rin naman ito sa akin, natutuhan kong bumangon at muling tumayo mula sa pagkakadapa kahit isang malaking kahihiyan ang nangyari. Simula noon hanggang sa makagraduate ako, hindi na ako muling nadapa sa putikan man o sa sementado, iyon na ang una at huli kong “pakakadapa”. 

Lunes, Agosto 16, 2010

HaySkul Lyf na WalaNg KaSin sAyA
       Ni Ruby Y. Gumatay


                           My most unforgettable moment in high school is … is …. Is….HAHA! TAMA NA NOSEBLEED EH! Tagalugin na lang natin.HAHA!! Ang pagiging hayskul talaga ay pinakamasayang parte ng buhay ko dahil dito ako nakaranas ng maraming bagay tulad ng nakakita ka na ba ng swimming pool sa inyong paaralan? In short baha!! HAHA!!May bagyo nun at saktong nasa eskwelahan kami dahil sa pinapatayong gusali sa aming lugar naging dahilan iyon ng pagbaha. Dahil sa taas ng baha,syempre isa lang ang magagawa mo,iyon ay ang paglusong sa baha,kahit na lagpas tuhod na ang baha ,ayun ,GO!! Lusong sa baha..hindi naman pwedeng lumipad, di ba?! HAHA!! Sabi nga sa kanta, “Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura??”HAHA!! ANO KONEK?? Wala lang trip ko lang kumanta.
                        ‘Eto pa,naranasan nyo na ba na inutusan kayo na magpresent ng sayaw sa JS Prom ninyo pero dahil sa kaatatan sa JS ay hindi nag-praktis,e , hindi naman pwede hindi mag-perform,kaya ayun MUKHANG TANGA sa gitna.NAG-SLAMMAN na lang!!HAHA Kahit nagmukhang tanga lang, masulit lang ang JS na hinihintay.HEHE!!
                        Sa pagiging hayskul ay hindi nawawalan ng barkada kung saan aayain kang gumala kahit na gabi na makakain lang ng inaasam ng ICE CANDY.BABAW NOH?! Pero yun talaga,kaligayahan namin eh, ang TUMAMBAY,GUMALA at kumain ng ICE CANDY. HAHA!!
                        Alam nating lahat na ordinaryo pagkatapos ng graduation ay mag-iiyakan lahat dahil magkakahiwalay na pero kaiba kami,ginawa naming PARTY ang graduation na parang wala sa isip namin na magkakahiwa-hiwalay kami !HAHA!! Nakakita na ba  kayo na ginawang autograph paper ang uniform? Dahil ‘yan ang ginawa naming lahat sa bawat isa ,BAWAT UNIFORM!!! Alam kong hindi matinong gawain pero masaya at nakatatawa , di ba??!!HA..HA……..
                        Talagang napakasaya na maging hayskul , masarap din ibalik-tanaw ang mga nakatatawang pangyayari na parang gusto mo pang ulit-ulitin dahil ang hayskul ang pinaka-hndi ko makakalimutang bahagi ng buhay ko.